Sa kabila ng planong tumakbo bilang presidente o bise presidente, isiniwalat ni dating Senador Antonio Trillanes IV na tatakbo siya bilang senador kung sakaling tatakbo si Robredo bilang presidente.

Sa isang panayam sa PressOnepH, nakasalalay umano ang politikal na plano ni Trillanes sa magiging desisyon ni Vice President Leni Robredo kung siya ba ay tatakbo bilang presidente o hindi. 

“Naghahantay kami ng desisyon ni Vice President Robredo. Kung tatakbo siya, mag-o-allout tayo na suportahan siya, ipanalo siya at tatakbo ako ng senadoin that case,”pagbabahagi ni Trillanes.

Kung hindi tatakbo si Robredo bilang presidente, ayon kay Trillanes ay maghihintay ang Magdalo Party sa nominasyon ng 1Sambayan dahil nakatuon na sila sa oposisyon.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“We will have to wait kung ano ‘yung pasya nila," aniya.

Sa parehong panayam, aniya, kahit sa ang mga nasa paligid ni Robredo ay hindi alam kung ano ang magiging desisyon nito.

“May mga kutob kami kung saan ang direksyon niya pero lahat naman ‘yan magbabago," ani Trillanes.

Dagdag pa niya sa panahon na ito, may posibilidad umano ang lahat “Pwede siyang tumakbo, pwedeng hindi siya tumakbo. Pwede siyang tumakbo ng mayor ng Naga. She can run as mayor of Naga, for example. Pwede siyang hindi tumakbo all together, di ba. Iyon nga pwede siyang tumakbong presidente."

Matatandaang sina Robredo at Trillanes ay kapwa nominado ng opposition coalition 1Sambayanpara sa pagka-presidente.

Raymund Antonio