Bacolod City – Namangha ang netizens sa pagguhit ng isang “homeless man” sa pader gamit ang dahon bilang material sa Bayawan City, Negros Oriental.

Nakilala bilang “Aikel,” umagaw ng atensyon sa social media ang larawan ng kanyang obra na tila isang makalumang palasyo matapos ipost ng 23-taong-gulang na photographer na si Clyde Elloren Tapdasan.

“Drawing po iyon gamit lang ang mga dahon na tumutubo kung saan saan,” sabi ni Tapdasan sabay dagdag na inabot ng 3-4 na araw bago nito Natapos ang obra.

Tila may pagkakapareho ang imahe sa Simala Church sa Cebu.

Trending

French fries outlet, nilansihan franchisee matapos umanong maghain ng business proposal?

“Di man siya kagaya natin na may matinong pag-iisip pero meron naman siyang wide and tough high IQ, knowledge how to sketch on a wall, kagaya nito, using a leaf, no other materials,” pagbabahagi ni Tapdasan sa kanyang Facebook account.

Sa pag-uulat, umabot na sa 18,600 at 16,800 reactions ang nasabing post.

Inulan din ng appreciation comment ang pagkamalikhain ni Aikel habang ilang netizens ang nagpahayag na magpapaabot ng tulong.

Unang namataan si Aikel nang madaanan si Tapdasan habang patungo siya sa isang bus terminal. Nasundan ang kanilang encounter nang napadaan si Aikel sa kanilang bahay at humingi ito ng maiinom na tubig.

Ayon pa kay Tapdasan, sa pakikipag-usap ng kanyang lolo kay Aikel, napag-alaman din nilang marunong itong magsulat ng ilang salita sa Latin.

Hindi malinaw kung gaano na katagal palaboy-laboy si Aikel sa kanilang lugar dahil malayo rin ang mga sagot nito sa mga tanong.

Dagdag ni Tapdasan, ilang netizens na rin ang nagsabing mula sa Barangay Gamao sa parehong lungsod si Aikel at may mga kamag-anak din sa lugar.

“Pinupunasan niya ulit ng dahon para po hindi mabura kasi maulan dito nung mga kasunod na araw na iyon.”

Glazyl Masculino