Level up ang “Bring Me” challenge sa Barangay 446, Zone 44 Sampaloc, Manila matapos ang pagharipas ng isang residente habang pasan-pasan ang isang washing machine.

Sa programang “On Record," naitampok ang nakakaaliw na video ng isang lalaking sa unang tingin ay aakalain mong matapang na kawatan sa kaputukan ng araw.

Ang katotohanan, ang lalaking nakuhanan ng CCTV ay nakilahok lang pala sa isang barangay level “Bring Me” challenge.

Kinilala ang lalaki na si Dean Lester Peñamante na eksaktong nasal abas at nakitang kakatapos lang gamitin ng kapitbahay ang washing machine nito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang may salarin sa palaro ang mismong barangay chairman na si King Ancheta na layong magbigay ng kasiyahan at kaunting tulong ang mga residente ng Barangay 446, Zone 44 Sampaloc, Manila habang ipinagdiriwang ang kapistahan sa lugar.

Bantay-sarado ang mga kalahok bawat kanto ng baranagay na limitado lang sa unang makalalabas ng bahay.

Kasabay ng challenge ang nakatutok na mga CCTV cameras sa buong barangay para masigurong ligtas at nasusunod ang health protocols habang isinasagawa ang palaro.

Sa pagtatapos ng laro, isa sa tatlong nakapag-uwi ng halagang P500 si Peñamante na hinati pa ang premyo sa pinaghiramang may-ari ng washing machine.

Naisip na sumali ni Peñamante sa 'Bring Me' bilang pandagdag na rin sa pambili ng pagkain ng kanyang pamilya.

Isa siya sa milyon-milyong Pilipinong nawalan ng trabaho nitong pandemya.