Agad na pinalagan at hindi pinalagpas ni Neil Arce, mister ng Kapamilya actress na si Angel Locsin, ang pang-iinsultong ginawa ni Presidential Communications Office-Philippine Information Agency Undersecretary and Director-General Mon Cualoping, sa kaniyang misis, matapos itong tawagng 'no brain cells.'

Nagbigay kasi ng reaksyon si Mon sa pagpupugay ni Angel sa mga health workers, sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 9, 2021.

"To those who can’t go and console family and friends fighting their battles alone. I feel you. I wish for you to overcome whatever it is you are going through. This crisis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police, and even without actors like me. but the world can never work without health workers. Again, thank you for all that you do. Sending everyone strength, hope, and love," ani Angel.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Angel Locsin apologizes for chaos at community pantry – Manila Bulletin
Angel Locsin (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Narito naman ang Facebook post ni Mon:

"Angel Locsin has no brain cells. Or a wrong appreciation of things. How can we all continue to live life if there’ll be no police force, actors, business folks and yes, even politicians?" aniya.

Nagbigay pa siya ng apat na halimbawa at inisa-isa ito.

"Sample: (1) The Wokes want the Government to act. So, if there are no politicians, who decides on things that matter to our lives? (2) The Wokes want a strong economy. So, if there are no business folks, who pumps the economy? (3) The Wokes want a safe society. So, if there is no police force, who establishes public safety? (4) The Wokes cry for ABS-CBN’s return. So, if there are no actors, what makes ABS-CBN, ABS-CBN?" pag-iisa-isa ni Mon.

Pahabol na banat pa niya, "We live in an ecosystem. Again, ecosystem. No brain cells at all!"

Mon Cualoping (Larawan mula sa FB)

Syempre, to the rescue naman kay 'real-life Darna' ang mister niyang si Neil Arce, na agad namang hinamon si Mon ng 'Lalaki sa lalaki.' Aniya, iginagalang niya ang political stand at opinyon ni Mon pero ibang usapan na kung iniinsulto na nito ang misis niya.

"You can message me here on Facebook kung talagang matapang ka. Kita tayo, no weapons, no bodyguards, lalaki sa lalaki, kung 'di ka lalaki, baka may kuya ka or kapatid na bata. Pwede na rin proxy," banta ni Neil.

Neil Arce at Angel Locsin (Larawan mula s Manila Bulletin/FB)

Marami ang natuwa kay Neil dahil isa umano siyang halimbawa ng mister na handang makipag-bardagulan o makipagbasagan ng mukha para maipagtanggol ang kaniyang misis.

Samantala, wala pang direktang tugon dito si Mon, bagama't may mga 'parinig' siya sa kaniyang Facebook post. Ibinahagi niya ang write-up tungkol dito ng isang entertainment blog site subalit ang caption n'ya lamang ay laugh emojis.

Hindi rin niya binawi ang 'no brain cells' na deskripsyon niya sa naging pahayag ni Angel hinggil sa mga health workers.

"SO EASY TO SAY. It’s so easy to say we don’t need politicians, business folks, among others just because we’re in a pandemic. So easy to say. Again, so easy to say," saad niya sa bagong Facebook post nitong Setyembre 12.

"But life ain’t like this. A deeper understanding of things will make us discern better because life is not as rosy as we want it to be. But we can make the best out of it when we properly acknowledge that we have to live within a system.

If not, then anarchy. Only fools will never understand this," dagdag pa niya.

Sa isa pang bagong Facebook post nitong Setyembre 12, tila may 'patutsada' na siya na handa siyang makipagharap sa sinuman, pero hindi niya babawiin ang sinabi niya. Pinanindigan niyang 'walang brain cells' si Angel Locsin.

"Honestly, masaya ako dahil na tag ako ni Krizette Laureta Chu. Tungkol naman sa brain cells, I stand by what I said. How do we survive as a society without police force and business folks? May nagsabi pang figure of speech lang daw yung sinabi ng artista. Paano? Suntukan na lang? O patayan? Ayaw nila EJK diba? Huwag na nga natin tawagin pa ang ELCAC. Di na kailangan."

Mon Cualoping (Larawan mula sa FB)

Tanong ng marami, umpisa na ba ito ng bardagulang Neil Arce at Mon Cualoping? Abangan ang susunod na kabanata, mga Maritess!