Tuluyan nang lumabas ng Pilipinas ang bagyong 'Kiko' matapos na humagupit sa bansa.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 1:10 ng hapon ng Linggo nang makalabas ng bansa ang bagyo.
Hindi na ito makaaapekto sa alinmang bahagi ng Pilipinas.
Gayunman, taglay pa rin ng bagyo ang hanging 165 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso na hanggang 205 kph.
“In the next 24 hours, the typhoon is forecast to move generally northward over the East China Sea heading towards eastern China. Further weakening will continue throughout the forecast period but Kiko will remain within typhoon category,” pahayag ng PAGASA.
Ipinaliwanag pa ng PAGASA na paiigtingin pa rin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na magpapa-ulan saBatanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at western section ng Central Luzon sa susunod na 24 oras.
Ellalyn De Vera-Ruiz