Dagdag na dalawang milyong doses ng Sinova ang dumating sa Pilipinas nitong Lunes, Setyembre 12 dahilan para umabot na sa 56 milyon doses ang kabuaang brand ng bakuna sa bansa.

Ito ang unang batch ng Sinovac na binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa China na lumapag kaninang alas 7:20 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 lulan ng Philippine Airlines Flight PR 361.

Agad na hinatid sa PharmaServ Express cold-chain facility ang dumating na bakuna na muling rerepakin at ipamamahagi sa iba’t ibang local government units.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, ipamamahagi sa priority regions kabilang ang Regions 4A, 3, 6, 11, 9 at ilang lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 ang karagdagang COVID-19 vaccines.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ariel Fernandez