Hiniling ni Senate President Vicente Sotto III sa interagency task force ng gobyerno na payagan ang religious gatherings sa ilalim ng bagong quarantine classifications sa Metro Manila.

Matatandaang inaprubahan ng gobyerno ang rekomendasyon ng Interagency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases’ para sa pilot implementation ng "Alert Levels System" upang makontrol ang coronavirus infections habang pinapayagan ang economic activities sa NCR.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/10/ecq-at-gcq-na-lamang-ang-bagong-covid-19-response-scheme-para-sa-ncr/

Sa ilalim ng bagong scheme, na nakatakda sa Huwebes, Setyembre 16, ang industriya ay maaaring tukuyin bilang closed, crowded, at close contact o 3Cs. Ang religious gatherings ay nasa ilalim ng crowded industry.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Papayagan ang 3Cs sa ilalim ng alert levels 1, 2, at 3 na nasa full capacity, 50 percent, o 30 percent respectively. Kung nasa level 4, walang papayagan na kahit anong 3C activities. 

Ngunit nais ni Sotto na payagan pa rin ang religious worships sa ilalim ng alert level 4 na may 10 percent capacity.

“Religious services and activities help the people by providing a spiritual support system, helping in the reduction of psychological stress, and promoting good mental health during this time of pandemic. Mahalagang pangalagaan din po ito ng ating pamahalaan," ani Sotto sa isang pahayag nitong Lunes, Setyembre 13.

Ani Sotto, bukod sa physical health ay dapat din umano ingatan ng mga tao ang kanilang spiritual well-being.

Dagdag din niya na sumusunod sa mga health protocols ang mga simbahan sa at hindi kinalimutang paalalahanan ang mga nagsisimba na sundin ang mga protocols habang umaattend ng misa at iba pang religious activities.

Gayunpaman, sinabi ni Sotto na naiintindihan niya ang pangangailangan na mas maging strikto sa mass gatherings upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

“Kaisa po ako ng pamahalaan sa adhikaing mas epektibong ma-kontrol ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19," ayon sa Senate President.

Vanne Elaine Terrazola