Dahil sa pagsulpot ng ilang coronavirus variants, maaaring “out of reach” ang herd immunity sa bansa sabi ng isang eksperto nitong Lunes, Setyembre 13.

“Now we know that herd immunity will be out of reach based on several factors. First, vaccines may not be transmission-blocking,” sabi ni Epidemiologist and Senior Technical Adviser of EpiMetrics Dr. John Wongsa isang virtual town hall meeting.

Habang hindi kayang pigilan ng bakuna ang inpeksyon, epektibo pa rin ang mga ito sa paglaban sa malalang epekto ng coronavirus disease (COVID-19).

“Second, there are new variants that are more transmissible and are vaccines resistant. Alpha is more transmissible, Beta is more vaccine resistant, and Delta is both,”sabi ni Wong.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isa pang tinitignan na dahilan ang kalat-kalat na vaccination rollout sa bansa.

Pinunto ni Wong ang kasalukuyang suplay ng bakuna sa Pilipinas na nasa 28 million.

“Although we have prioritized those at risks for death and hospitalizations — frontline health workers, elderly, persons with co-morbidities — we don’t have enough supply for everyone,” sabi niya.

Dagdag ng eksperto, pababa rin ang immunity na naibibigay ng bakuna sa mga matatanda at mga indibidwal na may kasalukuyan ng karamdaman.

Hinikayat ni Wong ang gobyerno ang agarang pagbabakuna sa mga may edad 50-taong-gulang para maiwasan ang 80 percent deaths.

Samantala, ilang pagbabago rin sa kaugalian ng mga tao ang makikita sa pagbubukas ng ekonomiya at pagbabalik trabaho sa ilalim ng maluwag na restrictions.

Nasa higit 16 milyon Pilipino na ang fully-vaccinated laban sa COVID-19.

Jaleen Ramos