Pakikiusapan ng libu-libong miyembro ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) si Pangulong Rodrigo Duterte na ikonsideraang intensyong tumakbo sa vice presidency katambal si Senator Christopher Go sa 2022, upang pumayag na kumandidato siDavao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Kami bilang mga tao o citizens na sumusuporta kay Mayor Sara, while we respect her decision not to run, we believe she is the best person for the job kaya hindi kami tumitigil to convince Sara to reconsider her statement a few days ago,”pahayag ni HNP Secretary General Anthony Del Rosario.
“Kasama rin diyan, sana makumbinsi rin natin ang ating Pangulo na i-reconsider niya ang kanyang planong tumakbo sa ating bansa. Gusto natin na si Duterte-Carpio ang tumakbo bilang Presidente," pahayag ni Del Rosario.
Una rito, nanindigan si Duterte-Carpio na hindi na siya tatakbo sa pagka-pangulo matapos tanggapin ng ama ang nominasyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Ayon kay Duterte-Carpio, nagkasundo na sila ng Pangulo na isa lang sa kanila ang tatakbo sa panguluhan sa 2022.
Bert de Guzman