Marami ngayon ang natutuwa at nagpapahatid ng kanilang congratulatory message sa mahusay na aktor na si John Arcilla, matapos niyang magwagi bilang 'Best Actor' para sa pelikulang 'On the Job: The Missing 8' sa katatapos lamang na awards night ng 78th Venice International Film Festival.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/12/john-arcilla-wagi-bilang-best-actor-sa-78th-venice-international-film-festival/

Ang direktor nitong si Erik Matti ang tumanggap ng tropeo ni John dahil hindi siya nakadalo rito; nagpahatid naman isang video message si John para pasalamatan ang pamunuan at mga hurado ng prestihiyosong award-giving body.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

John Arcilla – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
John Arcilla (Larawan mula sa Balita Online)

John Arcilla, wagi bilang 'Best Actor' sa 78th Venice International Film  Festival – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
John Arcilla at Direk Erik Matti (Larawan mula sa Balita Online)

Malaking karangalan hindi lamang kay John Arcilla ang parangal na ito, kung hindi maging sa buong industriya ng Philippine showbiz, at maging sa buong Pilipinas, dahil bukod sa ang pelikula nila ang katangi-tangiang gawang Asyanong nakapasok sa final 21 international films, si John din ang kauna-unahang best actor mula sa Southeast Asian. Isang tunay na makasaysayang araw!

Isang araw bago ang parangal, ibinahagi ni John ang Instagram post niya hinggil sa 'Law of Attraction' (kung ano ang ginusto mong makuha o mangyari sa buhay mo, mangyayari ito, ibato sa universe, just claim it at manalig!) kung saan inilakip niya ang mga bigating international actors na nakasungkit ng naturang parangal: ang Volpi Cup o Venice International Film Festival.

Hiling ni John, sana ay magkaroon din siya nito at maihanay sa kanila.

"Here is the roster of some Great Actors who won the most coveted Volpi Cup at the Venice international Film Festival. I wish we can have one someday! Hahahaha if you dream as they say. Dream big! God bless everyone," aniya.

Larawan mula sa IG/John Arcilla

Nitong Setyembre 12, 2021, nangyari na nga ang sinabi niya. Kahanay na niya sina Brad Pitt at marami pang iba.

Ang 'On The Job: The Missing 8' ay nasa sa direksyon ni Erik Matti, sa ilalim ng Reality MM Studios at Globe Studios, distributed by HBO. Sequel ito ng 'On the Job' na pelikula noong 2013.