Umaapela ang mga residente kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na aksyunan ang umaalingasaw na kanal sa gitna ng kalsada sa kahabaan ng R. Cristobal Street sa Sampaloc na posible umanong pagmulan ng dengue.

Anila, tatlong taon na silang nagtitiis sa amoy ng kanal na sinasabing pinamamahayan pa ng mga lamok na posible umanong makaapekto sa kalusugan ng mga residente.

Nag-ugat anila ang problema nang magkaroon ng road project ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Manila City government sa lugar kung saan nilagyan ng kanal ang gitna ng kalsada, bukod pa sa mga manhole sa mga gilid nito.

"Kapag tirik po ang araw, tapos subukan niyo pong dumaan dito. Susuka ka talaga kapag hindi nakayanan ng sikmura mo," sabi naman ng isa sa residente na si Joel Constantino, sabay turo sa mga steel cover ng drainage system.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nangangamba ang mga residente dahil posible umanong magdulot ng iba pang sakit ang nabanggit na drainage kung saan lumalabas ang mga lamok pagsapit ng gabi.

Bukod dito, inirereklamo rin ng mga ito ang madalas na pagbaha sa lugar mula nang ipatupad ang road level project sa bahagi ng Firmeza at Vicente Cruz Street.

"Dati kasi, 'di bumabahadito sa amin. Pero nang ayusin nila kalsada, dun pa nagkakaroon ng pagbaha kahit mahina lang ulan," pahayag naman ng isa pang residente na tumangging magpabanggit ng pangalan.