Wala pa rin pinal na rekomendasyon sa administrasyon ng booster shots para sa mga fully-vaccinated laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health nitong Lunes, Setyembre 13.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na pinag-aaralan pa rin ng ahensya at ng ilang eksperto sa bansa ang pagturok ng booster shots.

“The DOH All Expert Group together with the DOH is still carefully deliberating this,” sabi ng DOH.

“There is no final recommendation yet from the experts, nor approval from the DOH on the administration of booster shots,” dagdag ng pahayag.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sabi ng Health department, pagbabatayan ng kanilang desisyon ang ilang rekomendasyon ng mga eksperto.

Kung maging aprubado na ang booster shots, prayoridad na makakatanggap nito ang mga healthcare workers at mga immunocompromised individuals, sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Setyembre 4.

Analou de Vera