Sumalang sa sit down interview si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa panibagong episode ng “Toni Talks” sa YouTube na inilabas ngayong araw, Lunes, Setyembre 13 na kung saan ito rin ang araw ng kapanganakan ng dating senador.

Sa unang parte ng panayam, ikinuwento ni Marcos ang buhay niya simula noong bata siya— kung paano ang naging takbo ng buhay niya noong presidente pa ang kanyang ama na Si Ferdinand Marcos Sr., at kung ano ang mga natutunan niya sa kanyang ama, at paano nila hinarap ang mga naging problema sa kanilang pamilya noon.

Tinanong si Marcos kung ano ang “best and worst things” tungkol sa kanyang ama. Ayon sa kanya, “actual leader” ang kanyang ama.

“He was an actual leader. I think the problem now we have is that we lack of leadership. You cannot be president following surveys which is a tendency that we have not only here, but in other countries as well,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Mayroon siyang vision talaga, 'I want the Philippines to be this place in 10 years, I will make the Philippines this good by that year'— he had a very clear understanding of what needed to be done and how to do it. And that, I think, was his best quality as a leader,” paglalahad nito.

Bilang anak ng dating presidente, ang “worst” part lamang umano ay hindi sapat ang oras ng ibinibigay sa kanila ng kanyang ama.

“Worst in the sense kasi kami mga anak niya, we wish we could spend more time with him,” aniya.

Tila sanay na nga umano sa mga bashers ang dating senador dahil nang tanungin siya kung paano niya hina-handle ang mga ito, aniya, walang sinuman sa mga nanalong politiko ang hindi binash o sinabihan ng masama.

“We’re in political life… nobody won an election with one hundred percent of the vote. No one ever anywhere, unless they cheated.If you're making your enemies angry, you're doing a good job,” paliwanag nito.

“If you haven't made any enemies, you haven't done anything… ayan ang buhay ng politika eh. Hindi mo maiiwasan 'yan eh… Tignan mo, our president now, if you look at the surveys, ang taas-taas ng popularity ng approval rating at lahat— meron pa ring galit sa kanya, meron pang minumura siya, meron kung anu-ano pa ang sinasabi. Hindi mawawala 'yan eh,” pagpapatuloy nito.

Bilang dating senador at napapabalitang kakandidato sa darating na eleksyon sa 2022, paano nga ba niya nakikita ang sarili niya sa susunod na taon?

“I consider myself to be in public service… if that is my purpose in life, and that’s what God wants for me to do then that’s what I will continue to do, hangga’t I’m functioning,” paniniyak nito.

Naging kontrobersyal ang pangalang “Marcos” hindi lamang sa kasaysayan, maging hanggang sa panahong ito. Sa nalalapit na eleksyon kung saan maraming mga kabataan ang mga first time voters, paano ipakikilala niya ipakikilalaang kanyang sarili sa bagong henerasyon?

“Well, I am the son of the president who brought the Philippines into the modern world, really, who brought to the Philippines a sense of nationhood,”

“And if you ask me, despite all of the successes that he [his father] had… that’s all wonderful and something that we should continue too— it’s that sense of nationhood… that’s how I would introduce myself. I would like to restore that," aniya.

Isa sa mga pagod nang marinig ng dating senador ay ang mga kasinungalingan.“I’m really tired of hearing lies that have already been disproven," dagdag pa ng dating senador.