Inilunsad ngayong Lunes, Setyembre 13 ang isang citizen movement na Hugpong Para kay Sara (HPS) upang manawagan kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang presidente at umapela sa ama nito na si Pangulong Rodrigo Duterte na bitawan ang planong tumakbo sa pagka-bise presidente.

Sa likod ng bagong grupo ay sina House Speaker Lord Allan Velasco at iba pang mga House members na nagkaisa kasama ang Hugpong ng Pagbabago at mga local leaders.

Kumbinsido si HPS President Allan Yap na si Mayor Duterte ang pinaka kwalipikadong tao para mag-takeover sa posisyon ng kanyang ama sa 2022.

“Hangarin ng HPS ay ituloy ang tama, punan ang kulang at ituwid ang mali," ani Yap.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon kay Former Davao del Norte Gov. at HPS chairman Anthony Del Rosario, hindi lamang pangungumbinsi kay Mayor Duterte ang layunin ng bagong organisasyon.

“As the newly-appointed leaders of this movement, aside from trying to convince Mayor Sara to run for the highest post in the land, we want to respectfully persuade President Duterte not to run. This way, the country gets the benefit of considering the best candidate for the job, and that is her daughter,” ani Del Rosario sa isang virtual press conference.

Ang desisyon ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na taon ay isa sa mga rason umano kung bakit inanunsyo ni Mayor Duterte noong nakaraang linggo na hindi na siya tatakbo sa pagka-presidente.

Sinabi rin ng city mayor na isang Duterte lang ang puwedengtumakbo sa national office.

“We respect her for the statement that she made. While we respect her decision not to run, we at the same time believe that she is the right person for the job,” ani Del Rosario.

Dagdag pa ni Del Rosario na nangunguna si Sara sa mga survey ng mga posibleng presidential candidates sa 2022.“Kaya siya malakas is because of her father. Maganda ang programang naumpisahan ni Pangulong Duterte five years ago. That is the reason why Mayor Sara tops the surveys time and time again."

Ben Rosario