Kasabay ng opisyal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan, para sa School Year 2021-2022, ngayong araw Lunes, Setyembre 13, trending sa Twitter ang #AcademicBreakNow at #PagodNaKami.

Kasalukuyang nasa 15.6k tweets ang #AcademicBreakNow habang nasa 14.2k tweets naman ang #PagodNaKami.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilan sa mga estudyante sa muling pagpapatupad ng online class o distance/blended learning:

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Matatandaang sinabi ng Department of Education (DepEd) na mayroong 24.6 milyon na enrollees sa ngayon.

Habang wala pang face-to-face classes, ipinatupad muli ng DepEd ang distance/blended learning para sa School Year 2021-2022.