Nadagdagan pa ng 32 ang binawian ng buhay sa Cagayan matapos mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), ang mga nasawi ay mula sa 16 na lugar sa lalawigan.

Anim sa nasabing bilang ay taga-Tuguegarao City, tig-apat sa Claveria at Solana; tatlo sa Sanhez Mira; tig-dalawa sa Alcala, Amulung at Sto. Child; tig-isa naman saAllacapan, Ballesteros, Buguey, Gonzaga, Iguig, Lal-lo, Piat, Sta. Ana, at Tuao.

Nitong Setyembre 11, naitala ng PESU ang 410 na nahawaan ng sakit.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Sa bilang ng nahawaan, nangunguna ang Tuguegarao na nakapagtala ng 68, 37 saBaggao; 35 sa Aparri; 33 sa Gonzaga; 26 Lal-lo; 21 sa Iguig; at 20 naman sa Solana.

Binabantayan pa ng PESU ang 4,945 active cases sa probinsya.

Liezle BasaIñigo