Inaasahang mapaiigting pa ng Pilipinas ang pagbabakunamatapos dumating sa bansa ang 2 milyong doses ng Sinovac vaccine nitong Lunes ng umaga
Dakong 7:20 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 2 ang Philippine Airlines flight PR 361, sakay ang nabanggit na bakuna na binili ng gobyerno.
Dinala na sa cold-chain facilityngPharmaServ Express ang bakuna kung saan pansamantalang iimbak bago ipamahagi sa iba't ibang local government units.
Mahigit na sa 56 milyong doses ng bakuna ang dumating sa bansa mula nang simulan ng pamahalaan ang vaccination program, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez.
Ariel Fernandez