Nagbabadya ang pagpapatupad muli ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng taas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Setyembre 14.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 30 sentimos hanggang 40 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina, 25-35 sentimos sa presyo ng diesel, at 10-20 sentimos naman sa presyo ng kerosene.

Ito ay bunsod ng pagtaas ng presyong langis sa pandaigdigang merkado.

Nitong Setyembre 7, nagtaas ng₱0.95 ang presyo ng diesel,₱0.60 sa kerosene at₱0.50 naman sa gasolina.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Kapag ipinatupad ang nasabing hakbang, ito na ang ikatlong sunod na linggong dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Bella Gamotea