"A replayed soap opera"
Ganito inilarawan ng political oppositionang naging anunsyo ni Mayor Sara Duterte noong Huwebes, Setyembre 9 na hindi na siya tatakbo bilang presidente sa 2022.
Hindi naniniwala sina Bayan Muna Partylist Rep. Ferdinand Gaite at dating Rep. Neri Colmenares sa idineklara ni Mayor Sara noong nakaraang linggo dahil hindi na umano katiwa-tiwala ang mga Duterte.
Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/09/mayor-sara-yes-i-am-not-running-for-a-national-position/
Inaasahan nila na tatakbo umanong presidente si Sara na katulad ng ginawa ng tatay nito noong 2016.
Sa isang press conference nitong Linggo, sinabi nina Gaite at Colmenares na ang "dramang ibinebenta o inilalako" umano sa publiko ay umulit lamang kung ano ang nangyari noong 2016 nang hindi tuwirang kumpirmahin ni Pangulong Duterte ang kanyang pagtakbo bilang pangulo.
“Wala na akong tiwala sa mga announcement ng mga Duterte. Kahit pa tungkol sa West Philippine sea, sa China, sa paglaban sa katiwalian, sa pagtanggal ng kontraktwalisasyon," ani Colmenares.
Hindi aniya mahalaga kung si Mayor Sara o si Senador Bong Go ang tatakbo bilang presidente, binigyang-diin niya na ang mahalaga ay magkaroon ng lakas ang oposisyon para pigilan ang isa pang Duterte na maging presidente.
“Sara running is something we cannot control. I don't trust them,” dagdag pa ni Colmenares.
Ngayong darating na Lunes, Setyembre 13, maglulunsad ang mga supporters ng presidential daughter ng Hugpong Para Kay Sara upang manawagan na pag-isipanang naunang desisyon nito na hindi tatakbo sa pagka-presidente.
Ben Rosario