Wagi sa isang international photography competition ang 26-anyos na si John Lorenzo Javier, mula sa Barangay Ariston West, Asingan, Pangasinan.

Bida ang larawang nakuha ng photographer na pinamagatang "Aquarium," kung saan pinakita ang diskarte ng isang tindera sa pagsunod at pagpapaalala sa mga mamimili patungkol sa social distancing.

Larawan: PIO Asingan/FB

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang obrang ito ang nanalo ng first prize sa Our Times/New Normal category na ginanap sa Los Angeles, California.

Sa ekslusibong panayam kay Javier ng PIO Asingan, sinabi nito na lubos niyang ikinagulat ang kanyang pagkapanalo dahil hindi niya ito inaasahan at nagbabakasakali lang umano sa nasabing kompetisyon.

Payo niya sa mga kapwa niya photographer, kahit anong camera ay pwedeng gamitin, ang mahalaga ay ang maikwento ang gustong sabihin sa pamamagitan ng larawan.

Larawan: PIO Asingan/FB

Si John Lorenzo Javier ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi at nakatanggap ito ng P25,000 bilang gantimpala sa kaniyang pagkapanalo.

Pinatunayan ni Javier na pang world class ang talento ng mga Pinoy!