Nagpahayag ng suporta ang aktor at television host na si Joey de Leon sa tandem nina senador Panfilo "Ping" Lacson at Vicente "Tito" Sotto III sa darating na 2022 national elections.
Inilarawan niya ang duo na ito bilang "too/two good."
“Pagkakakilala ko kay Tito, para sa aming grupo isang magaling na lider o pinuno. ‘Yan ang huwaran namin pagdating sa kamag- anak o sa pamilya. Basta alam ko magaling si Tito, ganun din si Ping. Kaya one good plus one good eh ‘two/too” good,” ayon kay De Leon sa kanyang interview kamakailan.
Tatakbo bilang presidente si Lacson habang bise presidente naman niya si Sotto. Pareho pa silang 73-anyos.
Parte si Sotto ng comedy trio na Tito, Vic and Joey na lumalabas sa mga blockbusters movies at mga television shows. Busy ang mga ito sa "Eat Bulaga," ang longest-running noontime program sa bansa, kahit na senador si Sotto ay paminsan-minasan ay lumalabas pa rin ito sa programa.
Matatandaang nakatakda ang tandem launch noong Agosto 4 ngunit ito ay nalipat noong Setyembre 8 dahil sa patuloy na pagtaas ng Delta variant at isinailalim ang Metro Manila sa lockdown.
“Hindi natin dapat payagan ang maling akala para sa kinabukasan ng ating bansa," ani Lacson noong tandem launch.“Kailangan na nating umaksyon. Kailangan na natin magsanib pwersa upang mapigilan at maitama ang mali. Ito na ang simula," ani Sotto.
Robert Requintina