Dismayado ang Commission on Elections (Comelec) sa pagbawas ng Department of Budget and Management (DBM) sa kanilang budget para sa 2022.

Reklamo ng Comelec, kinaltasan ng ₱15.495 bilyon ang hinihingi nitong ₱41.992 bilyon na gagamitin sa 2022 elections.

Sa pagdinig, nakiusap si Comelec Chairman Sheriff Abas sa mga kongresista na ibalik ang panukalang ₱41.992 bilyong budget para sa 2022 na kinaltasan ng ₱15.495 bilyon sa National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Ipinaliwanag ni Abas sa mga kongresista na sa panukala nilang budget, hindi kasama rito ang special risk allowance (SRA) o hazard pay para sa election workers, kabilang ang mga guro na magsisilbi bilang board of election inspectors (BEIs).

"As to the hazard pay, we asked that of DBM. Unfortunately, it was not approved. Right now, our budget does not cover hazard pay,” pahayag ni Abas sa mga miyembro ng House committee on appropriations.

"Umaasa kami na ikokonsidera ninyo ang special risk allowance dahil tayo ay nasa pandemic. We should consider a counterpart of the health workers’ SRA and service credits" dagdag ng opisyal.

Sa pagdinig ng komite, hiniling naman ni ACT Teachers Rep. France Castro na taasan ang₱2,000 honorarium ng poll workers across the board at gawing₱4,000.

Bert de Guzman