Pasabog ang production ng mga delegada ng Miss Universe Philippines (MUP) 2021 sa feature challenge ng kompetisyon, ang tourism video, kung saan tampok ang kamangha-manghang paraiso sa mga probinsya at lungsod na pinagmulan ng mga kandidata.

Tumabo na agad ng hindi bababa sa dalawang milyon ang kabuuang views ng lahat ng tourism videos halos limang araw mula nang simula itong maging available sa Youtube channel ng Empire Philippines, ang organizer at may hawak ng Miss Universe Philippines franchise.

Narito ang top 5 most viewed tourism videos sa ngayon.

Katrina Dimaranan, Taguig City (Top 5)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tinampok ng pambato ng Taguig ang dahil sa likod ng taguring “probinsyudad” sa lungsod kung saan nagtatagpo ang mayamang kultura, napanatiling kalikasan sa mayabong na komersyo ng lugar. Naipakita rin ang nagtataasang gusali na simbolo ng detalyado at mabusising arkitektura sa lungsod. Sa huli, pinagmalaki ng Taguig bet ang yaman ng lungsod sa kultura, tao at pagkain.

PANUORIN: Tourism video ni Katrina Dimaranan

RousanneMarie Bernos, San Juan City (Top 4)

Naipamalas ng San Juan delegate ang mayamang kultura ng lungsod mula sa unang rebolusyon sa bansa hanggang sa mayamang bakas ng kahapon sa mga museo at mga simbahan. Para sa kandidata, ang komersyo sa lungsod ay isang patunay na nagtagpo ang kasaysayan at kasalukuyan sa San Juan City.

&t=3s

PANUORIN: Tourism video ni Rousanne Marie Bernos

Steffi Rose Aberasturi, Cebu Province (Top 3)

Virtual adventure naman ang hatid ng pambato ng Cebu Province. Tampok ng kandidata ang ilang wonders of nature sa probinsya kabilang ang mga nakatagong talon at mayuming katubigan sa probinsya ng Cebu. Ibinida rin ng delegada ang nangungunang panlasa ng probinsya sa mga kilalang pagkain ng rehiyon.

PANUORIN: Tourism video ni Steffi Rose Aberasturi

Maureen Christa Wroblewitz, Pangasinan (Top 2)

Sa halos talong minutong tourism video ng Pangasinan pride, nakakalulang ganda naman ang ipinamalas ng probinsya. Mula sa pambungad na rehiyunal na wika, tampok ang mayamang kalikasan, kultura at pagkakaisa ng mga tao sa lugar tuwing kapiyestahanng ani. Ipinagmalaki ng kandidata ang Hundred Islands, Lady Manaoag, Bagus Festival, Bamboo Statue of San Vicente Ferrer at ang mayamang kaugalian ng mga tao sa probinsya.

Panuorin: Tourism video ni Maureen Christa Wroblewitz

Kirsten Danielle Delavin, Masbate (Top 1)

Nagbalik-tanaw ang kandidata ng Masbate sa alaalang inukit ng paraisong nakagisnan sa probinsya. Tampok sa kaniyang tourism video ang kamangha-manghang mga karagatan at kabundukan ng rehiyon. Isang karangalan para sa kandidata ang maging kinatawan ng kaniyang kinalakhang probinsya na hindi lang destinasyon kundi isa ring tahanan.

PANOURIN: Tourism video ni Kirsten Danielle Delavin

Gaganapin ang coronation night ng MUP 2021 sa katapusan ng Setyembre viaktx.ph.