Posibleng humagupit ang bagyong 'Kiko' na may international name na "Chanthu" sa Batanes at Babuyan Islands na isinailalim na sa Signal No. 4 nitong Sabado.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 75 kilometro sa timog ng Basco, Batanes.
Sa pagtaya ng ahensya, maaaring lumapit o tumama ang bagyo sa Batanes at Babuyan Islands sa susunod na 12 oras.
Inalerto na rin ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar.
Binanggit ng PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin nito na 215 kilometer per hour (kph) at bugsong hanggang 265 kph habang kumikilos pa-hilagahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
“The typhoon is forecast to maintain its strength while traversing the Babuyan-Batanes area in the next 12 hours but is forecast to begin weakening later today or tomorrow (Sept. 12) as Kiko undergoes another eyewall replacement cycle. While intensification into supertyphoon is not the more likely scenario in the very near term, it is still not ruled out,” ayon sa PAGASA.
Inaasahan naman angmabagyongpanahon sa ilang bahagi ng Cagayan Valley, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region (CAR) sa susunod na 24 oras.
Itinaas naman sa Signal No. 3 ang northwestern at southeastern portion ng Babuyan Islands.
Nananatili rin sa Signal No. 2 northern portion ng mainland Cagayan, at Signal No. 1 ang nalalabing parte ng mainland Cagayan, northern portion ng llocos Norte, Apayao, northern portion ng Kalinga, northeastern portion ng Abra, at northern portion ng Isabela.
Inaasahan din ang malakas na ulan saCagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, at Kalinga na posibleng magdulot ng flashflood at landslide.
Kahit malayo sa northern Luzon, makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila, lang bahagi ngIlocos Region, CAR, at western sections ng Central Luzon at Southern Luzon sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.
Sa pagtaya pa ng ahensya, posiblenglumabas ng bansa ang bagyo sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.