Sinasaluduhan ngayon ang isang sekyu o security guard na si Edward Placencia mula sa General Santos City, matapos niyang pakitaan ng kabutihan ang isang estrangherong batang lagi niyang nakikita sa labas ng establisyimentong binabantayan.

Ipinakita niya ang kabutihan at pagkamakatao sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tubig sa bata kapag ito ay nauuhaw at napapagod dahil sa paglalako ng mga panindang walis. Minsan din ay binibigyan niya ito ng libreng pagkain. Aniya, namumukhaan niya lamang ang bata subalit hindi niya ito kilala.

Ang kuwentong ito ay ibinahagi ng netizen na si Julius Paigalan sa kaniyang Facebook post noong Agosto 30. Aniya, siya mismo ang nakasaksi sa naging mga pangyayari at pag-uusap sa pagitan ng batang nakayapak at ng sekyu.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Larawan mula sa FB/Julius Paigalan

May be an image of 1 person, standing and indoor
Larawan mula sa FB/Julius Paigalan

“Around 1:00 in the afternoon, as I was sitting outside of Mang Inasal (Pendatun Avenue branch) waiting for a friend to take his take-out order, I saw this barefooted child eating a spared part of chicken Inasal,” kuwento ni Julius.

“Minutes had passed, when he was done, he approached kuya SG, asking for a glass of water. At first, I thought Kuya SG wouldn't mind doing it as he was quite busy with the entering customers.”

“But to my surprise, he entertained the child and didn't drive the boy away. He even asked what the boy preferred then proceeded to handing him a glass of water. Leaving a smile on the child's face. KUDOS kuys SG!”

Ang nakakatuwa umano rito, iginalang pa ng sekyu ang bata dahil ‘sir’ ang tinawag niya rito. Tinanong pa niya ang bata kung tubig lang ba ang gusto nito o baka gusto rin ng soft drinks.

“We're used to respecting people in authority. But isn't it more applauding to respect everyone of different social status? The fact that the SG is addressing the young boy as "Sir", really is commendable,” paghanga ni Julius.

Matapos umanong maging viral ang kaniyang post, marami umano sa mga naantig na netizens ang nagnanais na ipahanap ang bata upang matulungan ito. Kaya naman, gumawa ng panibagong Facebook post si Julius nitong Setyembre 3, 2021.

“Hello po, good morning. This is in relation to the viral post of a kuyang guard who showed an exemplary act of kindness and humanity towards a barefooted boy who asked for a glass of water.”

“After their story aired on national TV, some concerned individuals messaged me wanting to extend their help for the boy. I didn't expect this one but I felt the genuine intention of these people thus the need to post for a wider dissemination. If any of you know the boy personally, where he lives exactly, and how we can get in touch with him, pls message me.”

Larawan mula sa FB/Julius Paigalan

Unang naitampok sa news program na ’24 Oras’ ng GMA Network ang tungkol sa kaniyang viral post. Tumutulong na umano ang mga broadcast network na malaman ang whereabouts ng naturang bata.