Humagupit na sa Batanes ang bagyong 'Kiko' nitong Sabado ng umaga, ayon saPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Dakong 8:30 ng umaga nang bayuhin ng bagyo ang Ivana sa nasabing lalawigan.

Dala pa ng bagyo ang malakas na hanging 215kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso na hanggang 265 kph habang ito ay kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na15 kph.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nasa Signal No. 4 pa rin ang Batanes at northeastern ng Babuyan Islands habang itinaas naman sa Signal No. 3 ang northwestern ng Babuyan Islands.

Isinailalim din sa Signal No. 2 ang nalalabing bahagi ng Babuyan Islands at nasa Signal No. 1 na lamang angmainland Cagayan, Apayao at hilaga ngIlocos Norte.

Ellalyn De Vera-Ruiz