How true na imbyerna na ang Kapuso hunk actor na si Jeric Gonzales sa kaniyang nakatambal na seasoned actress na si Sheryl Cruz, dahil lagi siya nitong tina-tag o ibinibida sa Instagram posts nito?

Lalaki na mismo ang mariing tumangging nagka-‘something’ sila ni Sheryl Cruz habang ginagawa nila ang teleseryeng ‘Magkaagaw’ na afternoon teleserye ng GMA Network. Nagwakas na ito noong Marso 31, 2021.

CONFIRMED! Jeric Gonzales courting Sheryl Cruz – Manila Bulletin
Jeric Gonzales at Sheryl Cruz (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Naisyung may relasyon umano ang dalawa matapos ang pag-post ni Sheryl ng video ng kanilang kissing scene ni Jeric mula sa kanilang IG.

Pero may post ang 47-year-old actress sa kanyang official Instagram account ng video ng kissing scene nila ni Jeric sa serye. May caption pa itong "I love you so bad." At hindi lang 'yan, nag-post din siya ng TikTok videos na may caption namang "Di ka nakakasawang tignan pagmasdan ang yong mata."

Hindi naman niya inilagay sa caption o hashtag kung ang tinutukoy ba niya ay 'in character' nila o totohanan na ba. Pareho itong may petsang Agosto 29 at naka-tag pa si Jeric.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, isang malapit umano kay Jeric ang nagsabing hindi na ito ikinatutuwa ng 29 anyos na aktor, lalo't nabibigyan umano ito ng kulay ng netizens.

Ito na umano ang dahilan kung bakit nag-unfollow na si Jeric sa IG account ni Sheryl, at ganoon din ang aktres kay Jeric.

Nag-iwan naman ito ng palaisipan sa netizens kung ano ang motibo ni Sheryl sa mga posts na ito.

At dahil trending ngayon ang Baguio City dahil sa isyung isinasangkot kina Paolo Contis at Yen Santos, nauungkat din ang pag-deny ni Jeric na binigyan niya ng mga pasalubong si Sheryl nang magbakasyon siya sa naturang romantikong siyudad.

Larawan mula sa IG/Jeric Gonzales

Nagkaroon kasi ng IG post ni Sheryl noong Hulyo 19, 2021, na may mga pasalubong sa kanya si Jeric nang bumalik ito mula sa Baguio City.