CEBU CITY - Matapos sampahan ng kasong panggagahasa, nagpiyansa na ang boksingerong si Albert Pagara.
Dahil dito, pansamantalang munang nakalalaya si Pagara matapos pakawalan ng Pardo Police Station.
Nag-bail si Pagara ng ₱100,000 nitong nakaraang Miyerkules ng hapon matapos ang isang linggong pagkakakulong sa presinto.“In the release paper that we received, the bail was set at P200,000 but it was reduced to P100,000 after his lawyer made an appeal,” ayon kay Pardo Police chief, Maj. Jose Angelo Acupinpin.
Inaresto si Pagara nitong Setyembre 1 dahil sa alegasyong minolestiya nito ang isang 14-anyos na babae.Kaagad na nilinaw ni Acupinpin na hindi na-downgrade ang kanyang kaso, gayunman, pinayagan pa rin itong makapagpiyansa.
“According to our investigator here, there are rape cases wherein the accused is allowed to bail. If the accusation did not involve actual penetration, that may be bailable,” ayon kay Acupinpin.
Sa kaso aniya ni Pagara, inakusahan siyang hinipuan nito ang maseselang bahagi ng katawan ng dalagita.Naiulat na hindi na nakitang nakipaglaban si Pagara matapos niyang talunin si Virgil Puton via unanimous decision nitong nakaraang Disyembre 18 ng nakaraang taon sa Mandaue City.
Naging promising boxer si Pagara nang 33 beses na manalo sa kanyang 34 na laban, kabilang na ang pagkatalo nito kay Mexican boxer Cesar Juarez noong 2016.
Calvin Cordova