Nagtala ng 26, 303 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Department of Health (DOH) ngayong Sabado, Setyembre 11, ito ang pinakamataas na bilang ng kaso sa bansa sa loob lang ng isang araw.
Tumabo na sa 2,206,021 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 8.4 percent o nasa 185,706 ang active cases, ayon sa datos ng DOH.
Sa mga aktibong kaso, 85.3 percent ang nakararanas ng mild symptoms habang 10.2 percent naman ang asymptomatic, 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon, 1.3 percent ang severe at 2.56 percent ang nasa moderate condition.
“Out of the 26,303 new cases for Sept. 11, 1,608 were cases which should be included in our Sept. 10 topline numbers. The other 24,695 are actual cases to be reported for Sept. 11,” sabi ng DOH.
“For cases in NCR (National Capital Region), of the 9,061 total cases reported today, 447 should have been reported for Sept. 10,” dagdag ng DOH.
Tumaas din ang bilang ng nasawi sa sakit na umabot na sa 34,978 o 1.59 percent ng kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kasunod ng bagong ulat na 79 bilang ng mga nasawi ngayong araw.
Samantala, tumaas din ang bilang ng nakarekober sa sakit na dinagdagan ng 16,013 ngayong araw. Sa kabuuan 1,985.337 o 90.0 percent na ang gumaling sa kabuuang tally ng kaso sa bansa.
Habang naayos na ang ilang teknikal na isyu ng Department of information and Communications Technology (DICT), binanggit ng DOH na ilang COVID-19 Document Repository System (CDRS)data pa ang hindi naisasama sa bilang.
“This has led to some delays in inclusion of new data for cases, deaths, and recoveries. The DICT is continuing their investigation,” sabi ng DOH.
“While we await full resolution of this issue, we may observe some delays in inclusion of some data in our topline numbers in the coming days but we are managing this by generating data from CDRS and submitted line lists by our disease reporting units,” dagdag nito.
Sa pag-uulat, nasa 76 percent ang intensive care unit (ICU) beds occupancy rate ng bansa habang 68 percent ang isolation bed occupancy rate; 73 percent ang mga okupadong ward beds; at nasa 56 percent ang kabuuang bilang ng mga kasalukuyang ginagamit na ventilators.
Samantala, binawas naman ng DOH ang 52 kasong dobleng nailakip sa kabuuang bilang kung saan 45 pala rito ang nakarebor na.
John Aldrin Casinas