Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng ilang manufacturer ng Noche Buena items na magtaas ng presyo sa kanilang produkto ngayong 'ber' months.

Idinahilan naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, isinagawa ng mga manufacturer ang hakbang bunsod na rin ng pagtaas ng raw materials at packaging materials.

Partikular na pag-aaralan ng ahensya ang price adjustment sa Noche Buena meat products, katulad ng hamon o Christmas ham matapos magsimulang makatanggap ang ahensya ng kahilingan mula sa ilang manufacturer sa bansa.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Aniya, nakasanayan na bago matapos ang buwan ng Oktubre hanggang sa unang linggo ng Nobyembre, ang DTI ay naglalabas ng suggested retail price (SRP) para sa Noche Buena products.

Kinumpirma pa ni Castelo na hindi nagkaroon ng paggalaw ng presyo ng Noche Buena products noong nakaraang Pasko nang mapakiusapan ang mga manufacturer.

Kaugnay nito, susubakan muli ng DTI na pakiusapan ang mga manufacturer ng Noche Buena products na hindi muna magtataas ng presyo, lalo na nahaharap pa rin tayo sa krisis dulot ng pandemya.

Bella Gamotea