Ipinagtanggol ni Presidential Spokesman Harry Roque si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagtatalaga nito kayretired military officer Antonio Parlade, Jr. bilang deputy director-general ng National Security Council (NSC).

Nilinaw ni Roque kay Senator Risa Hontiveros, may exclusive power ang Pangulo upang mag-appoint ng sinuman sa kanyang gusto sa isang puwesto sa gobyerno.

“It’s her right to speak out but making an appointment is the President’s duty. That’s the President’s prerogative,” pahayag nito.

Ipinaliwanag ni Roque na karapatan ni Hontiveros na magsalita, gayunman, ang pagluluklok sa isang pwesto ay trabaho ng Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Parlade na dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nagretiro nitong Hulyo.

Beth Camia