Ngayong araw, Setyembre 10, ipinagdiriwang natin ng World Suicide Prevention Day. Nagsimula ito noong September 10, 2003, bilang proyekto ng International Association for Suicide Prevention sa pakikipagtulungan ng World Health Organization (WHO).

Naging matagumpay ang inisyatibong ito ng dalawang pandaigdigang organisayon kaya naman simula taong 2004 ay pormal na nilang kinilala at ipinagdiriwang ang World Suicide Prevention Day.

Ngayong taon, ang pagdiriwang ay may temang “Creating hope through action,” sumasalamin ito sa kolektibong partisipasyon ng lahat upang labanan ang mga kaso ng suicide lalo na sa gitna ng pandemya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pang-25 ang suicide sa mga dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas noong 2020.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Paano nga ba ito maiiwasan? Narito ang ilang paraan para tulungan ang mga taong dumadaan sa ganitong sitwasyon.

● Laging ipaalala sa kanila na mayroong handang tumulong at kumalinga sa kanila

● Huwag silang husgahan at sisihin sa mga nangyayari sa kanila.

● Iparamdam sa kanila na handang may makinig sa kanila sa pamamagitan ng pagpapaalala ng mga bagay na ibinabahagi sa iyo.

● Boluntaryong tulungan sila na kumunsulta sa mga propesyonal.

● Siguraduhin na palagi silang may kasama.

Para sa kaukulang tulong ng mga propesyonal at awtoridad, maaari kang tumawag sa mga numerong ito:

Manila Lifeline Centre

Landline: (02) 8969191

Mobile phone: 0917-854-9191

National Mental Health Crisis Hotline:

Luzon-wide landline: 1553

Mobile phone: 0966-351-4518, 0917-899-8727, 0908-639-2672.

Hopeline Philippines

Landline: (02) 88044673

Mobile phone: 0917-558-4673, 0918-873-4673

Laging tatandaan na may handang makinig sayo.