Maaaring mauwi sa “diskriminasyon” ang panukalang mas maluwag na coronavirus diease (COVID-19) restrictions para sa mga fully-vaccinated na indibidwal, ayon sa Department of Health (DOH).
Samantala, bukas ang DOH sa rekomendasyong ito ng Metro Manila Council (MMC).
“However, we still have to consider that majority of the population is still not vaccinated, hence, it may lead to discrimination especially to those who don’t have access to vaccines yet,”sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie nitong Biyernes, Setyembre 10.
Dagdag ni Vergeire, kasalukuyang pinag-aaralan ng ahensya ang rekomendasyon.
Sa ngayon, para sa DOH, hindi mainam ang segregation sa mga bakunadong indibidwal sa hindi.
“[The] DOH maintains that we still cannot differentiate between those vaccinated and unvaccinated as COVID-19 vaccines are not transmission-blocking,”dagdag niya.
Nitong Huwebes, naglabas ng resolusyon ang Interagency Task Force (IATF) para sa mas maluwag na restrictions sa mga bakunadong indibidwal sa Metro Manila.Ani MMC, sa pamamagitan ng panukala, muling babangon ang ilang economic activities at mas maraming tao ang mahihikayat magpabakuna.
Analou de Vera