Binatikos ng ilang kongresista nitong Biyernes, Setyembre 10, si presidential spokesman Harry Roque matapos nitong punahin ang ilang doktor sa kontrobersiya sa pagiging “indecisive” umano ng gobyerno sa pagpapatupad ng community quarantine.

Nauna nang naiulat ang tila tensyonadong pagpuna ni Roque sa ilang medical experts na umaapela sa gobyerno na muling ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) para maagapan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Kinundena ng Makabayan Representatives Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat ang naging pag-asta ni Roque at umano’y "hindi paggalang" sa mga medical officers sa pangunguna ng Philippine College of Physician president Marical Limpin.

Panawagan ng dalawang kongresista ang maagang pagbaba ni Roque sa gabinete.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaasahang maghahain ng resignation si Roque sa oras na maghain ito ng certificate of candidacy bilang guest senatorial candidate sa PDP-Laban.

“Between doctors who have more knowledge on how to deal with a pandemic, and a presidential spokesperson and this administration who’s been nothing but “palpak” in its pandemic response, malinaw naman sinong dapat panigan,” pahayag ni Gaite.

“Lest he forget, it was this medical personnel who have been helping save lives including Roque’s life when he got inflicted with COVID-19. This is what they get in return?” sabi ni Gaite.

Sa magkahiwalay na pahayag, binatikos ni Cullamat ang pagiging arogante ni Roque sa mga eksperto na nais lang umano mapakinggan at maghayag ng pagkabigo sa mababaw na pagpapatupad ng quarantine categories ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na naging doble ang bilang ng COVID-19 cases mula nang ipatupad ang hard lockdown nitong Agosto.

Bigo namang binahagi ng ilang netizens ang video kung saan makikita ang naging pag-apela ni Limpin.

Ben Rosario