Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko dahil posibleng maging super typhoon ang bagyong 'Kiko.'

“We have to take note na possible siya maging isang super typhoon dahil 'yung 205 kilometer per hour (kph) habang andito malapit sa super typhoon na category threshold na 225 km/hr,” pahayag ni weather forecaster Benison Estareja ng PAGASA nitong Huwebes ng gabi

Patuloy aniyang pinaiigtingng bagyo angsouthwest monsoon o habagat na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas sa susunod na 24 oras.

Dakong 6:15 ng gabi ngHuwebes nang lumabas ng Pilipinas ang bagyong 'Jolina' at nag-ipon muli ng lakas saWest Philippine Sea at kikilos pa-hilagang kanluran bago tutumbukin ang Vietnam sa Sabado.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Huli itong namataan sa layong605 kilometro silangan ng Dagupan City, Pangasinan, dakong 10:00 ng gabi.

Taglay pa rin nito ang malakas na hanging 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsonghanggang 115 kilometro kada oras habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Jhon Aldrin Casinas