Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19), pansamantalang inaprubahan ng pandemic task force ang guidelines para sa pilot implementation ng new alert system sa National Capital Region (NCR) na isasagawa se Setyembre 16 - Setyembre 30, 2021.
Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag matapos ibalik ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 15 sa kabila ng unang pag-anunsyo na ibabalik ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) noong Setyembre 8.
Sa press briefing ni Roque nitong Biyernes, Setyembre 10, aniya, napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na magkakaroon na lamang ng dalawang quarantine classifications ang NCR: ECQ at GCQ with alert levels.
Ayon kay Roque ang bagong polisiya ay upang manatiling bukas ang industriya sa kabilan ng implementasyon ng granular lockdowns, maliban sa mga lugar na isasailalim sa Level 4.
“Ang policy shift ay nagnanais na manatiling bukas ang mga industriya sa GCQ, maliban sa mga nasa Level 4," aniya.
Limited movement
Sa ilalim ng new scheme, tanging health and allied health professionals lamang ang ikokonsidera bilang authorized persons outside of residence (APORs).
Ipatutupad ang strict mobility restrictions mabilan sa:
- Health care workers and non-health personnel (nagtatrabaho sa mga ospital, laboratoryo, dialysis facilities)
- OverseasFilipino Workers (OFW) na bound for international travel, at para sa mga returning and nakakumpleto ng facility-bases quarantine upon arrival.
- At iba pang mga bihirang pangyayari kabilang ang paghahanap o nangangailan ng agarang lunas o atensyong medikal.
Ang mga households sa mga lugar sa ilalim ng granular lockdown restrictions o pamilyang nasa isolation ay bibigyan ng tulong ng kani-kanilang local government units (LGUs).
Ano ang mga allowed?
Ang bagong scheme ay magkakaroon ng apat na alert levels mula Alert Level 1 hanggang 4. Mayroon din itong classified industries na tinatawag na "3Cs" -- closed, crowded, at close contact industries:
Closed or indoor:
- Indoor social/non-essential activities
- Indoor limited face-to-face classes
- Indoor meetings, incentives, conferences, events (MICE)
- Indoor cinemas and entertainment industries
Crowded:
- Religious gatherings
- Social gatherings – concerts, parties
- Maximum capacity and physical distancing
Close contact:
- Personal care services
- Dine-in services
- Other activities wherein appropriate use of personal protective equipment cannot be done
Maliban sa mga lugar na mayroong granular lockdowns, lahat ng mga establisyimento, o mga aktibidad na hindi nabanggit ay pinapayagang mag-operate, ngunit kailangan ipatupad ang minimum public health standards.
Kaugnay nito, ang mga sumusunod ay ang operational capacities para sa mga establisyimento sa ilalim ng ECQ at ang apat ng alert levels:
- ECQ: Most sectors are not allowed
- Alert 4: 3C activities are not allowed
- Alert 3: 3C activities are allowed at 30 percent
- Alert 2: 3C activities are allowed at 50 percent
- Alert 1: Full capacity with minimum public health standards
Pinapayagan ang mga establisyimento na dagdagan ang operational capacity nila ng 10 porsyento kung sila ay may safety seal certification at kung ang mga aktibidad o pagtitipon ay gaganapin sa labas.
Argyll Cyrus Geducos