Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa mga bansa kung saan nagmula ang mga foreign nationals na nasawi sa mga engkwentro ng pulisya sa lehitimong drug war operations.

Ito umano ang paraan ng pamahalaan para maunawaang kolateral damage ang naturang madugong insidente.

Nagpahayag si Roque matapos ang inilabas na apology ng Pangulo sa kinasang drug bust operations kamakailan sa Zambales at Bataan na nagresulta ng pagkamatay ng apat na Chinese nationals na itinuturing na “big-time drug syndicate.”

Sa kanyang press briefing nitong Biyernes, Setyembre 10, sinabi ni Roque na maaaring humingi ng paumanhin ang Pangulo dahil sa obligasyon ng bansa sa mga banyagang nasa Pilipinas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Siguro po kasi merong mga katungkulan ang lahat ng bansa sa mga dayuhan na nasa kanilang teritoryo,” sabi ni Roque.

“The President said that the deaths were in fact by way of collateral damage to a legitimate, sovereign exercise of police power,” dagdag niya.

Sa kanyang pre-recorded public address na inere nitong Miyerkules ng umaga, Setyembre 8, muling binanggit ng Pangulo ang kanyang pagkamuhi sa iligal na droga na aniya'y ginagawang alipin ang sinumang nalululong dito.

Habang pinuri niya ang pagkakasamsam sa 500 kilo ng shabu na may halagang P3.4 bilyon, humingi ng paumanhin ang Pangulo sa mga nasawi sa operasyon.

Umaasa ang Pangulo na mauunawaan ng ibang bansa ang sitwasyon.

“I’m sorry for the loss of lives. Hindi man natin ginusto ‘yan,” sabi ng Pangulo.

“I just hope the countries from where these guys come from should understand that we have laws to follow,” dagdag niya.

Pinaalalahan ng Pangulo ang mga Pilipinong nagtatrabaho abroad na hindi siya magpapaabot ng tulong kapag nasangkot ang mga ito sa kalakalan ng iligal na droga.

Argyll Cyrus Geducos