Inilabas na ngayong araw Biyernes, Setyembre 10 ang debut solo album ng Blackpink member na si Lisa. 

Ayon sa YG Entertainment, umabot sa 800,000 copies ang pre-order ng nasabing album.  Mas pinalakas nito ang record ni Lisa bilang female K-pop solo artist na may pinakamataas ng pre-orders sa kasaysayan.

Nauna nang sinabi ng ahensya na ang "Lalisa" ay nakakuha ng 700,000 copies ang pre-orders nito sa loob lamang ng apat na araw noong Agosto 30.

“I keep shaking and can’t believe it. I’m happy to show you my first solo performance, and I hope BLINKs will enjoy it," ani Lisa, ayon sa kanyang ahensya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa niya, “This is my first solo album, and the album is so meaningful to be named ‘Lalisa.’ BLINKs, thank you for waiting for my solo album for a long time. I worked hard to prepare for it.”

"Lalisa" ang pangalan ng kanyang album dahil bukod sa ito ang tunay niyang pangalan, nais niyang ipakita kung sino nga ba talaga si Lalisa.

 “I wanted to capture my best image. I made this because I wanted to show Lalisa herself," ani Lisa.

“I’m happy and excited to be able to show you my new side and music,” dagdag pa niya.

Jonathan Hicap