Inanunsyo ng Cinema '76 Film Society sa kanilang Instagram na opisyal nang magsasara ang kanilang unang branch sa San Juan City sa Setyembre 15, 2021.

“Our hearts may be heavy, but we know that this is not goodbye,” ayon sa film society.

“We believe in the resilience of creatives in the industry. We believe in the passion of Filipino movie fans. Magkakasama-sama din tayo ulit sa loob ng sinehan," dagdag pa nito.

Simula nang maitaguyod ito noong 2016, ang micro-cinema space na ito ay nagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino, mula sa independent at classic works at maging ang mga latest releases.

Politics

Supporters ni ex-VP Leni, PBBM pinagsasanib-pwersa ni Trillanes sa 2028

Naging isang theater venue rin ito para sa mga foreign films and festivals katulad ng One Originals, QCinema Film Festival, CineFilipino Film festivals, at iba pa.

Dahil sa pandemya, maraming bagay ang nahinto kabilang ang film industry. Kaya napilitan ang Cinema '76 na mag-explore at makipagsapalaran upang mapanatili ito. 

Nag-alok ito ng online movie streaming sa pamamagitan ng Cinema '76 @ Home at naglunsad ng isang alfresco café noong Hunyo na malapit sa LRT Anonas Station.

Kapag handa na umano ang mundo, magbubukas muli ang Cinema '76 sa kanilang Anonas QC branch.

"Once the world is ready, Cinema '76 Film Society will continue to serve movie fans lokking for a home in our Anonas QC branch."

John Legaspi