Inanunsyo ng Caloocan City government nitong Biyernes na tatanggap na sila ng walk-in para sa COVID-19 vaccination simula Lunes Setyembre 13.

Ayon sa advisory, maaaring magtungo ang mga indibidwal sa vaccination site na malapit sa kanila.

Ang maaari lamang pumunta sa vaccination sites ay ang mga residente at manggagawa ng Caloocan na edad 18 pataas.

Matatandaan nitong Agosto 6, ipinatupad ng Caloocan LGU ang "no walk-in policy" matapos dagsain ng maraming tao ang vaccination sites ng lungsod.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Allysa Nievera