Kinaltasan ngDepartment of Budget and Management (DBM)ngisang milyon ang panukalang budget ng Office of the Vice President na P714.56 milyon kaya ito ay naging713.41 milyon na lamang.

Kaugnay nito, isinusulong nina Reps. Gabriel Bordado (Camarines Sur) at France Castro (ACT Teachers party-list) na pagkalooban ang Office of the Vice President ng P1 bilyong pondo para maipagpatuloy ang mga programa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

“Taasan at least P1 billion, ‘yung budget ng Office of the Vice President para mas magampanan pa nito lalo ‘yung kaniyang tungkulin at ‘yung kaniyang pagtugon sa pandemyang COVID dahil alam naman natin hanggang 2022 pa ito,” pakiusap ni Castro sa pagdinig ng House appropriations sa OVP budget para sa 2022.

Kabilang sa mga gastusin ng OVP sa pandemic ay ang lokal na produksyon ng personal protective equipment (PPE), pagkakaloob ng probisyon sa transportasyon at akomodasyon ng healthcare workers, libreng teleconsultations, at pagbabakuna sa mga essential workers kasama ng lokal na pamahalaan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Inaprubahan agad ng House appropriations committee ang budget ng OVP na P714.56 milyon na kinaltasan ng P1 milyon matapos ihain ni Vice President Robredo ang kanilang budget proposal sa susunod na taon.

Bert de Guzman