Kinapos para makaabot ng podium si Pinoy pole vaulter EJ Obiena makaraang magtapos lamang na pang-apat sa Wanda Diamond League finals sa Zurich, Switzerland, nitong Biyernes ng umaga (Manila time).

Hindi na tinangkang talunin ni Obiena ang 5.43 meter mark bago niya tinalon ang baras sa taas na 5.58 meters sa una niyang attempt.

Kasunod nito, natalon naman nito ang taas na 5.73 meters sa kanyang final attempt at 5.83 meters sa second attempt hanggang mawala sa kontensiyon nang mabigong makalusot sa 5.93 meters.

Ang Tokyo Olympics gold medalist Armand Duplantis ng Sweden ang nagkampeon sa Diamond League habang nagwagi naman ng silver at bronze sina Sam Kendricks ng USA at Timur Morgunov ng Russia ayon sa pagkakasunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasunod ni Obiena tumapos namang panglima ang Amerikanong si Christopher Nilsen at pang-anim si KC Lightfoot.

Matatandaang nabigo ring makapag-uwi ng medalya si Obienanang sumabak itosa JanuszKusocinskiMemorial Tournament saChorzow, Poland nitong nakaraang Agosto.

Marivic Awitan