Hindi na masisilayan pa si Dwight Ramos sa koponan ng Ateneo Blue Eagles matapos magdesisyon na maging professional player sa pagsaba nito sa Japan B. League.
Magiging isa na sa manlalaro ng Toyama Grouses si Ramos kasunod na rin ng paglagdagniya sa koponan.
May dalawang taon pa sana ang eligibility ng 23-anyos na si Ramos para sa Ateneo.
Ang 6-foot-4 utility player ay naging go-to player para sa Gilas Pilipinas sa nakalipas na taon, partikular sa nakaraang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan nagawang walisin ng Pilipinas ang group phase.
Naging consistent player din siya para sa Gilas sa kanyang itinalang averages na 13.8 puntos, 6.2 rebounds, 2.2 assists, at 2.0 steals kada laro.
Bago umuwi ng Pilipinas noong 2019 para lumaro sa Ateneo, naglaro muna siya ng dalawang taon sa Division 1 school na Cal State Fullerton bago lumipat sa Division 2 school na Cal Poly Pomona noong 2018.
Nakadalawang torneo lamang ito ng nalaruan bilang bahagi ng Blue Eagles sa nakalipas na dalawang taon na kinabibilangan ng 2019 Jesuit Athletic Meet at ang 2020 Philippine Collegiate Champions League.
Naiulat na noong huling linggo ng Agosto ay nakuha na ni Ramos ang kanyang visa sa Japan at hindi na rin ito nag-enroll sa Ateneo noong isang linggo.
Si Ramos ang magiging pang-walong Filipino na kinuha para maging Asian import sa B.League kasunod nina Thirdy Ravena (San-En NeoPhoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins), Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots), Kemark Carino (Aomori Wat’s) at Kobe Paras (Niigata Albirex BB).
Marivic Awitan