Kamakailan lamang, nagsalita ang komedyanteng si Vincent Aycocho o mas kilala sa screen name na ‘Petite’ hinggil sa lumulobong utang ng Pilipinas.

“Diyos ko 11.6 trilyon utang ng Pinas, kahit oras-oras magmax-rate si LYKA hindi mababayaran ang echos na ‘yannn!” pahayag ni Petite sa kanyang Facebook.

Sumagot naman ang komedyanteng si Gil Morales o mas kilala bilang Ate Gay.

Basahin: Post ng komedyanteng si Petite hinggil sa utang ng Pilipinas, sinoplak ni Ate Gay

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

“Ikaw na ang pangulo! Tingnan ko lang kung hindi ka umutang. Kakaloka ka Petite, tayo nga nagungutang tayo para sa pamilya natin dahil di naman tayo mayaman, ganun din ang Pilipinas di mayaman, mahirap mahirap mahirap noon paaaaaa!!!” ani Ate Gay.

Sinundan pa ito ni Ate Gay ng Facebook post. Aniya, “Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi ang mangnega ng umaga, ang manisi, ang sisihin ang gobyerno… basa din, alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng Pinas, simulan n’yo ng 1986.”

Dahil sa galit ng isang netizen, sinabi nito na dapat ay hindi na Tinulungan ni Vice Ganda si Ate Gay nang ma-ospital ito.

Sa bagong post ni Ate Gay, sinagot nito ang netizen.

Nilapag ni Ate Gay ang breakdown ng mga tulong pinansyal na kanyang natanggap noong nagkasakit ito.

Larawan: screenshot mula sa Facebook post ni Ate Gay

"Para matigil na ito .. eto mga nagbigay sa aking hindi ko hiningi ... Paolo balesteros 30k beks batallion 30k calvin chua 20k vice ganda 20k ogie diaz10k ogie alcasid teri onor 10k sir jon 10k.. at ang kapatid ko 600k..." resbak ni Ate Gay.

"yung mga nagbigay sa akin di ginalaw ng kapatid ko bagkus ginastos ko sa renta sa condo maintenace ko at ng nanay ko... wala naman po akong trabaho kaya di sinama ng kapatid ko ang mga bigay ng mga kaibigan ko," dagdag pa nito.

Kaya naman panghihikayat ni Ate Gay, huwag nang mandamay ng ibang tao dahil nahihiya na siya sa mga ito.

Matatandaan na Abril ngayong taon, naka-recover si Ate Gay mula sa sakit na Pneumonia.

Basahin: Ate Gay thankful sa second life

“Isa ito sa tiniis ko.. na nalampasan ko….tiniis kong kumain para mabuhay salamat sa lugaw champorado sopas na bumuhay sa akin ng 20days. maraming salamat Lord,” pagbabahagi ni Ate Gay sa Facebook.

“Nagpagaling nagpalakas.. tiniis ko dahil sa kagustuhan kong mabuhay.. sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito ..buti daw at ginusto kong gumaling,” saad pa niya sa panibagong post.