Mahigit sa ₱1 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam sa ikinasang operasyon ngPhilippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite nitong Huwebes na ikinasawi ng dalawang miyembro ng sindikato.

Sa report na tinanggap ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, binanggit ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG) na napatay sa operasyon sinaBasher Bangon, 59, taga-Cagayan de Oro City, na isang umano'y high-value target (HVT) na may direct contact sa Chinese drug syndicate at Danilo Untavar, 51, taga-Dasmarinas, Cavite.

Arestado naman ang dalawa nilang kasabwat na sinaLani Micoleta, 45, at Aldwin Micoleta, 47, kapwa taga-Imus, Cavite.

Sinabi ng PNP-DEG, nagsagawa sila ng buy-bust saBarangay Magdalo, Bahayan Pag-Asa sa Imus, dakong 9:15 ng gabi na ikinaarestonina Lani at Aldwin matapos masamsam sa kanila ang 48 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng₱331.2 milyon.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Kaagad ding nagsagawa ng follow up operations angmga awtoridad saMolino 3, Bacoor, dakong 9:30 ng gabi at nakabili sila ng droga kina Bangon at Untavar. Gayunman, nakipagbarilan umano ang dalawa sa mga awtoridad habang tinatangka nilang tumakas na ikinabulagtang mga ito.

Nasamsam sa lugar ang 181 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng₱1.25 bilyon.

“Basher Bangon is a top level drug personality with direct contact [to] a Chinese syndicate. His main market [was in] the areas of Visayas and Mindanao,” pagdedepensa ng PNP-DEG at sinabi pa na nagsisilbing distributor ng iligal na droga sa Metro Manila at Calabarzon area (Region 4A) ang dalawang naaresto.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang dalawang nadakip, ayon pa sa pulisya.

Martin Sadongdong