Inanunsyo ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pang 1% ng 13.8 milyong fully vaccinated individuals sa bansa ang dinapuan ng COVID-19.

Base sa datos ng DOH, hanggang nitong Agosto 29, 2021 ay 242 lamang o 0.0017% ng kabuuang 13.8 milyong fully vaccinated individuals ang naiulat na nagkasakit pa rin ng COVID-19, may 14 na araw matapos nilang matanggap ang second dose ng kanilang bakuna.

“Out of 13.8 million na fully vaccinated, sobrang konti lang ang nakakuha ng COVID-19. Saan ka pa tataya? Kung wala tayong bakuna laban sa COVID-19, mas marami pa ang puwedeng makakuha ng malalang sakit,” ayon kay FDA Director General Eric Domingo.

Samantala, iniulat rin ng DOH at FDA na sa 33.3 milyong jabs, 0.18% lamang ang nagkaroon ng suspected adverse reactions.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sa naturang bilang,0.006% lamang naman ang naiulat na serious adverse reaction.

“The DOH and FDA said that the benefits of getting the COVID-19 vaccine continue to outweigh its risks,” anila pa.

Kaugnay nito, nanawagang muli si Health Secretary Francisco Duque III sa mga mamamayan na magpabakuna na.

"Magpabakuna po tayo kapag tayo ay eligible na upang maprotektahan natin ang ating sarili at pamilya laban sa COVID-19. Itong datos na nakalap ng FDA ay nagpapakita na safe at effective po ang ating mga bakunang may Emergency Use Authorization (EUA). Ngunit huwag nating kalilimutan na patuloy pa rin isaggawa ang ating minimum public health standards kahit na tayo ay nabakunahan na,” panawagan pa ni Duque.

Hinimok rin ng DOH at FDA ang mga mamamayan na kaagad na iulat kung may naranasan silang adverse reactions sa website ng FDA o sa kanilang City Health Office (CHO).

Mary Ann Santiago