Nagkakaroon na naman ng paniniwala na "delusyonal" si dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. matapos niyang ihayag na mananalo siya sa pagka-presidente laban kay Vice President Leni Robredo sa 2022 elections.
Ito ang reaksyon ng dalawang dating magkatunggaling grupo sa UP-Diliman, ang Sandigan para sa Mag-aaral at Sambayan (SAMASA) at Nagkaisang Tugon (TUGON).
Sinabihan ng dalawang organisasyon si Marcos Jr. na mali na naman ang akala nito na mananalo siya sa laban kay Robredo kahit natalo ito sa ga-hiblang boto sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.
“He is clearly delusional about the status of his election protest. No less than the Supreme Court has declared that VP Leni Robredo won the 2016 Vice Presidential elections when it unanimously dismissed Bongbong Marcos’ election protest on the ground that he had no evidence to back up his fake claims of electoral fraud,” ayon sa pahayag ng dalawang political parties nitong Huwebes, Setyembre 9.
“We strongly criticize Bongbong Marcos on his delusional claim today that he will win the May 2022 Presidential elections against Vice President Leni Robredo. We dare say: ‘You lost; you will lose again!’,” paniniyak pa ng mga ito.
Matatandaang nitong Pebrero, ibinasura ng Korte Suprema ang electoral protest ni Marcos kaugnay ng umano'y pandaraya ni Robredo sa eleksyon noong 2016.
Raymund Antonio