Tila totohanan na talaga ang pagbabalik sa 'tuwid na landas' ng kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler, na bagay na ikinatuwa nang labis ng kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Makikita sa mga social media accounts ni Baron na talagang ibinabalik na niya ang sarili, lalo't nagpagupit na siya ng kaniyang buhok: lumitaw ngayon ang angking kaguwapuhan niya at mas luminis siyang tingnan. Ibinahagi niya sa Instagram ang TikTok video niya kung saan makikitang nagpapagupit na siya ng mahabang buhok. Ito raw kasi ang gusto ng kaniyang misis na si Jamie Evangelista, na pinakasalan niya noong September 2019.

"It will grow back. My wife @jamieevangelista actually loves my clean look. Ahmmm… Another baby please," pabirong hiling ni Baron sa kaniyang misis.

Baron Geisler (Larawan mula sa IG)

Tsika at Intriga

'Mahal ka palagi ni Lord, Joven!' Nico Waje, host ng 'Customs Check Pilipinas'

Kinilig ang netizens lalo na ang mga 'Tabing Ilog' babies na nakasubaybay kay Baron noong teen star pa lamang ito. Anila, mukhang tuloy-tuloy na nga at seryoso ang aktor sa pagbabagong-buhay, lalo't nag-aaral siya ngayon ng theology upang mas mapalalim pa ang relasyon niya sa Diyos. Advocate na rin siya ngayon ng malusog na pag-aalaga sa mental health.

Sa isa pang IG post, naging makahulugan naman ang kaniyang caption nang ibahagi niya ang video clip ng 'Stories of Hope' ng GMA Network kung saan naitampok siya. Isinalaysay niya rito na bagama't tinatahak na niya ang landas ng total transformation hindi lamang sa pisikal kung hindi sa holistikong aspeto ng kaniyang buhay, marami pa rin ang hindi naniniwala sa kaniya.

"Salamat guys. 'Ika nga a day at a time we all face struggles lalo na ngayon. May mga maling desisyon pagsisisihan, pero kapit lang sa Panginoon. Babawiin din niya lahat ng nawala at ang importante, mga pangako Niya sa atin ay sobrang dami. Kapit lang at magdasal. Patas po tayong lahat sa laban na ito. God bless us all," aniya.

Kung susundan ang naging buhay ni Baron, aminadong naging pasaway talaga siya. Napabayaan niya umano ang sarili at showbiz career.

May be an image of 1 person, Maltese and indoor
Baron Geisler (Larawan mula sa IG)

May be an image of 1 person, standing and outdoors
Baron Geisler (Larawan mula sa IG)

May be an image of 2 people, people standing, nature and body of water
Baron Geisler (Larawan mula sa IG)

Baron Geisler (Larawan mula sa IG)

Ayon sa panayam ni Toni Gonzaga sa kaniya sa 'ToniTalks' na umere noong April 24, 2021, tanngap umano ni Baron na may mga taong hindi pa rin naniniwala at patuloy na magdududa na totoong nagbago na siya.

Emosyonal na isinalaysay ni Baron ang tungkol sa naging journey niya sa pagbabagong-buhay simula noong magkaroon na siya ng sariling pamilya at manirahan sa Cebu.

Aniya, kung may isang bagay man siyang pinanghihinayangan ay ang maagang pagpanaw ng kanyang ina dahil hindi na nito nasaksihan ang kanyang pagiging asawa at ama. On a lighter note daw, baka napagkamalan siyang si Hesukristo ng kaniyang ina dahil mahaba pa ang kaniyang buhok at makapal ang balbas at bigote. Akala raw marahil ay sinusundo na siya.

Sa mga patuloy na nagdududa sa kanyang pagbabago, ito ang masasabi ni Baron, “The doubts will always be there. ‘Baron, totoo ba iyan? Return of the comeback na naman? Baka mamaya puro salita lang iyan, after a few films, babalik na naman iyan sa dati,'" aniya.

“I am ready for that na. My recovery is not for Jamie, it’s not for Tali. It’s for me. Because how can I lead a family if I am not ready, if I am not whole?” dagdag pa.

May mensahe naman siya para sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kanya.

“As we grow older, we evolve and hopefully for the better. I want to evolve to become a really, really good leader, a respectable man.

“I do not have to answer to anyone except my God because only Him and I have a relationship and it’s a very special one. Nobody can take that away from me,” dugtong pa niya.

Baron Geisler (Larawan mula sa IG)

Masaya na ngayong namumuhay ang aktor sa Cebu City kasama si Jamie na isang physician at anak nilang si Baby Tali.

Kabilang si Baron sa cast members ng 'Di Na Muli' na pagbibidahan nina Julia Barretto, Marco Gumabao, at Marco Gallo, na mapapanood sa TV5.