Sang-ayon umano ang bagong Kapamilya actress na si Sunshine Dizon na maisabatas at maging legal ang diborsyo sa Pilipinas, upang mabigyan ng kalayaan at pagkakataon ang dalawang taong naghiwalay na ng landas, na muling magmahal at makahanap ng taong makakasama niya habambuhay---na para na sa kaniya.

"Napaka-plastic ko naman kung sasabihin kong marriage is forever, hindi naman totoo… for me, I’m speaking for myself! Push n'yo yan. Gusto ko ng divorce kasi it’s normal for people to fall out of love,” pahayag ni Sunshine, sa virtual media conference ng kaniyang kauna-unahang teleserye sa Kapamilya Network na 'Marry Me, Marry You' na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Sunshine Dizon – Manila Bulletin
Sunshine Dizon (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Hiwalay na sa kaniyang asawang si Timothy Tan ang dating Kapuso actress, na sumikat sa iba't ibang mga mabibigat na roles sa teleserye, gaya ng 'Ika-6 na Utos.'

Events

Sue Prado, nakadalo pa sa storycon noong Abril 11; may sey tungkol sa 'letting go!'

“So bakit natin hindi bibigyan ng pagkakataon ‘yung mga tao na gusto mag-start anew, di ba? Kailangan ba talagang meron parating psychological reason or whatever, or something drastic na dahilan para lang maghiwalay ‘yung dalawang tao?,” pahayag niya.

“Minsan talagang hindi na sila para sa isa’t isa. So I hope, you know, the laws will push through with regard to divorce here in the Philippines. So that magkaroon ng freedom naman ‘yung mga tao, 'di ba, para magmahal ulit, magsimula ulit. So that’s my take on it,” dagdag pa niya.

Ang 'Marry Me, Marry You' ay eere na sa September 13, na papalit sa 'Init sa Magdamag,' sa Primetime Bida ng Kapamilya Channel at sa iba pang mga platforms na mapapanood ito. Ang magiging role dito ni Shine ay isa sa mga nakatatandang kapatid ng karakter ni Janine, na mapapa-involve sa 'May-December' affair.