Arestado ang walong katao, kabilang ang isang aktibong pulis-Maynila at isang dating agent ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos umano silang magbenta ng pinaghihinalaang nakaw na mga sasakyan at mga baril sa magkakahiwalay na police operations sa Cavite, ParañaqueCity at Antipolo City, kamakailan.
Nasa kustodiya na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang mga suspek na sinaArman Estanol, Jon Marvin Toledo, Staff Sergeant Michael Salinas, nakatalaga sa Manila Police Distroct(MPD)-Station 1, dating NBI Agent Edwin Justo, Bern Bryan Pingol, Arnold Aron Marauda, Enrique De Guzman at Fernando De Guzman.
Ipinaliwanag niNCRPO Director, Maj. Gen. Vicente Danao, unang inaresto sina Estanol at Toledo sa ikinasang entrapment operation ngNCRPO Regional Intelligence Division- Anti-Carnapping Task Group, Police Regional Intelligence Division-Region 4-A at Highway Patrol Group-4A nang magbenta sila ng umano'y nakaw na sasakyan sa Bacoor, Cavite, nitong Setyembre 3.
Kinagabihan, dinampot naman sinaSalinas, Justo, Pingol at Marauda sa isang gasoline stationsa Macapagal Avenue sa Asiana,ParañaqueCity.
Nasabat naman sa apat na suspek ang matataas na kalibre ng baril na KG9 Sub-machine gun na kargado ng 15 9mm na bala at dalawang magazines, Glock 19 9mm pistol na may walong bala, Roni Kit para sa 9mm Glock, Glock 17 9mm pistol at limang bala, Mitsubishi Expander, at Honda City na sasakyan.
Kinabukasan, naaresto naman ng pulisya sina Enrique De Guzman at Fernando De Guzman na nagbebenta ng Toyota Alpard at Hummer H3 na pawang mga peke ang mga dokumento sa Sun Valley Subdivision, Antipolo City.
Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang mga suspekBella Gamotea